isa na namang mahabang gabi at isang malamig na umaga. tiniis ko na naman ang lamig ng aircon ng mga makina, ang manipis na kutchon. malayong malayo sa queen size bed ko sa bahay at 4 na unan. isama mo pa dun ang natural na lamig ng gabi at simoy na dala ng habagat. pero wala e. gustuhin ko mang umuwi kagabi e hindi ko talaga magagawa. 10 na kami nakabalik ng batangas mula sto tomas pagchacharge ng tatlong sites.

kaya heto ako ngayong umaga, pupungas pungas, masakit ang likod.

hindi ako ngayon handa kaya wala akong dalang alumusalin. walang kape…teka, bawal nga pala sa akin ang kape. dapat minsanan lang yung paginom ko nun kung gusto kong mabuhay ng matagal tagal sa mundo.

hindi pa muna ako aalis, kasi matagal din naman magpuno  mga jip paamin, tska mejo masakit ang tiyan ko, baka mapa### pa ako. naghihintay ng milagro.

matagal tagal na din naman akong hindi nakakapag overnyt dito. mga dalawang linggo. hindi na din naman ako naghahabol ng oras ko, mga about 200 hrs na lang naman ako. mga 5 linggo. isang buwan pa din yun. pero dapat at ease muna ako. o hindi? mas maganda ata kapag tapos agad. makakatikim na ako ng bakasyon at konting pahinga na mtagal tagal sa kurso kong walang pahinga. pero kapag me klase ka na t-th-f na 8-10, 7-10 at 9-10 e mejo me nakahambalang pang pangontra. pero ayos na rin siguro kung matatapos na agad ako.

siguro dun na lang muna. magandang umaga!

new-player-skin-2.gif

You Shook Me All Night Long – Ac/dc
FREE MP3 DOWNLOADS @ MP3-CODES.COM

tutunog kaya to?

nagsimula ang lahat isang araw na tila ordinaryo. hindi pala. libing nga pala ngayon ni cory. dumuty ako sa pldt. nagbihis ng dilaw at sumakay ng jeep. kinuha ko ang sapatos ko sa dati na nitong lagayan.

pagkababa ko ng jeep, parang me nakabukol na natatapakan ko sa loob ng aking kanang sapatos. dahan dahan at maingat akong naglakad hanggang sa pldt. baka kasi mapisak ang hula kong nilalang na nakasilid sa sapatos ko.

pagkalampas ko sa guard house, parang may gumapang. agad kong tinanggal ang sapatos ko at pinagtataktak.

me patay na butiki. putol ang buntot.

EWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW!

Dapat naman talaga matutulog na ako. Kanina pa akong parang me amats sa sakit sa ulo sa PLDT pa lang (mga around 6:30 ata un). Siguro dahil nabitin yung siesta ko sa pldt. 30 mins sa loob ng isang sleeping bag. Binuhay ko lang naman ang computer kasi kocompute-tin ko lang ang oras ko na sa OJT gamit ang Excel tas manonood na rin ng FMA Brotherhood 17 na dinownload ko kanina sa PLDT (oo, ganyan ako ka hardcore magdownload, sa PLDT Corenet pa mismo).

Gabi na rin ako nakaalis. Mga 7:30 na ako umalis kanina ng PLDT. ‘Inayos’ ko kasi yung PC ni sir Dan. Hindi naman talaga inayos. Binasic maintenance ko lang. Napansin ko lang kasi nung NAKAGAMIT na ako na parang mabagal ata ngayon ang computer. E di ba ang biglaang pagbagal ng computer e maaring naapektuhan ng virus, worm..etc ang computer? So ang ginawa ko iniscan ko ng avira yung buong computer. At nakakapagsisi. Malay ko ba namang ganung katagal mag scan ang 80GB na hard drive. 10 GB lang kasi hard drive namin sa bahay. How primitive.

At matapos mag scan e me nakitang 8ng depirensya ang virus scanner. Marami na din atang naapektuhan files dun. Pagkatapos ng madugong pagscan e 7 na. Tutal nilubos ko na lang din ang pagpapagamot ni kumpareng PC na mahal na mahal ng mga kaklase kong nagpepesbuk, nag disk clean up na rin ako at nag defrag. Tinweek ko na rin yung setting ng temporary internet file, kasi yung unang tatlong virus e dun nakita. Tsaka maxado matagal magscan dahil madaming laman ang TIF, e sa ngayon naman hindi na kailangang madami ang laman nun kasi 512kbps naman yung Internet connection sa opisina. Nilinis ko na rin yung start up, nakakabagal din kasi yun. Tas me nagpopop-up dun na ‘cannot find solutions.vbs’ (virus to), natanggal ko na din yun. Sana bukas ng umaga maganda na ang performance nung computer na yun.

Kaya nga pala ako nagboblog kasi inayos ko yung mga music files ko sa computer. Masyado na namang madami, mukhang oras na naman para mag burn ako sa cd, e pag ganitong 10GB lang ang hard disk e kailangan na talagang mag move ng files. Itinama ko na yung necessary file names, at kung anu-ano pang pagbabago. Tas ngayon pinapakinggan ko lang yung lahat ng kanta, titignan ko kung ano ang magiging feel pag asa cd na tong mga kantang to at pinapakinggan ko.

Also i would like to take this opportunity to give my warmest applause to all those who gave their best in the resent Nursing Licensure Exam last June. God knows what he is doing.

Sa mga pumasa, use your title properly. Gamitin ang nalalaman para sa kapwa, kasi kung ano man ang ginawa mo sa kapwa mo ay siya ding ginawa mo na sa Akin.

Sa mga depressed, alam ko ang pakiramdam. Beterano na ako ng pagbagsak. Masakit yan, oo. Iniyakan ko din yung mga failures ko pag nakatakip na ang telon. Kung masama sa loob, dont pretend you are tough, kasi mas masakit. Lalu na kapag nakikita mo yung iba na tila nag sasaya pero parang ikaw lang ang malungkot? Ilang beses ko na naranasan yun.

Sa mga hindi pa naman kumukuha, study hard. You are given a longer time than the others, so prove you ought to reach the top. Wag papakain sa pressure, instead use that disadvantage as your advantage. Aral ng mabuti. Mas mahirap daw ang November kumpara sa June.

Para naman sa RN ko, congratulations! Kita ko ang paghihirap mo noon, kaya you deserve to be one of the passing 41%. Hard earned yan! Pa birthday yan sa’yo ni Bro. ‘Wag na madepress. Mahirap talagang magsaya kapag may malungkot sa paligid mo. Pero cheer up! Ganyan talaga ang buhay. Alam ko hindi mo sila gano makocomfort kasi you “if you dont understand someone’s pain, you can never understand them.”**

Teka nga pala, takte! Wala na bang internet access ang Globe ulit sa Opera Mini? Pakingshet!

Me klase pa ako bukas, time to go.

 

 

**http://www.onemanga.com/Naruto/451/10/

Hay. matagal na rin mula nung huli akong kumalabit ng teklado para dito sa blogsite. Mejo tinatamad na rin naman ako magsulat sa buhay kong walang kabuhay-buhay, sa mga araw-araw na pangyayari na wala naman talagang pakialam ang 90% ng populasyon ng mundo. Pero tutal, andito na din lang ako, pahabain ko na ang mga maikli kong kuwento.

Magsimula tayo noong lunes.

Hmmmm..ano nga bang meron noong lunes? pumasok akong naka corpo. violet na long sleeves. itim na slacks. mumurahing sapatos. walang bago, bukod siguro sa natatapakan ko yung laylayan ng pantalon ko.

martes. Me klase kami ke vitonski. at me duty kami sa pldt. walang bago. bukod siguro duon sa dilaw kong polo shirt na bigay ng ate ko.

miyerkules. ahhmmm…tinatamad na akong magkuwento. kung ano na lang maisipan kong isulat.

>>Hmmm.. kamusta na ba ikaw?

eto. ahm. depressed?

>>Bat ka naman depressed? at bat me question mark sa dulo?

kasi hindi ako sigurado kung depressed ba talaga ako. me mga bagay na kahit siguro ako hindi ko kayang ipaliwanag.

>>O sige change topic. Musta ang OJT?

ah. ok lang naman sa pldt. actually more than ok pa nga e. masaya. minsan boring kasi puro mlr at icms lang talaga ginagawa ko, pero masaya pag lalayas. medyo hindi nga lang ako nakakasama kasi pag sasama ako bigla na lang isusumbat sa akin na 600hrs ang OJT ko at 300 lang sila, mas marami pa daw akong pagkakataon na lumitad kesa sa kanila. kaya ngayon pag me aalis hindi ko na lang pinagsisiksikan ang sarili ko. masaya din naman sa apat na sulok ng corenet.

>>Lumalabas pala kayo e. Ano naman ginagawa nyo sa labas?

Sa mga byahe ko sa labas madaming variations sa mga ginagawa. halimbawa, yung una kong sakay sa ford ranger e nagpunta kami ng nasugbu, site visit sa cable landing station ng pldt. umaariba pa si feria noon. noong miyerkules nagpunta naman malvar para magreset at magpalit ng sirang *hindi ko maalala ang tawag* sa AG (access gateway) doon. masaya, at madilim. kagabi naman nagpunta ng cuenca, doon sa relay station para magtambak ng basura kasi darating daw presidente ng pldt sa lunes, nag lilinis sila ngayon.

>>Ngayon lang naglilinis?

oo. kagabi nga me nakita pa akong mabigat na makina. alangya, pangcheck daw ng mga switch! at hindi pa electronic switch ha! Strowger! Step by Step Switch! Primitibo pare yun!

>>So anong relation ng Comm sa mga ginagawa nyo sa PLDT?

una, telecom company ang PLDT, kaya lahat talaga ng ginagawa nila e para sa telecom. Siguro sapat ng dahilan yun.

>>Bakit hindi ka nag Semiconductor Company?

Unang una, iregular ako, me kinukuha akong subject. hindi ako puwedeng magmalayo. At isa pa, mas gusto ko sa comm.

>>Magkano allowance mo na binibigay ng PLDT?

wala e. monay. pero masaya doon kahit no pay. sobrang saya nga e minsan dun na ako nagpapa umaga.

>>ah. mukhang enjoy ka nga dun a. So next question. Napanood mo na ba transformer?

oo. maganda xa, me mga plot holes lang.

>>plot holes?

oo. halimbawa, noong namatay si optimus. bakit hindi na lang yung piraso ng all spark na nakay sam ang ginamit para buhayin si optimus? at yung maliit na rc truck ang ginamit ng decepticons para makuha yung piraso ng all spark ke megan fox. kung si starscream pinadala nila e di tapos agad ang problema!

>>pero maganda xang movie?

oo naman. andun si devastator. kaya lang parang mas maganda kung this time natalo talaga ang mga autobots. ang ganda ng built nila na revenge, pero olats pa din ang decepticons, tapos come back ng autobots with more reinforcement sa part3. pero hindi ako si michael bay.

>>maiba. musta acquiantance party?

masaya! late nga lang ako dumating, at mukhang ewan yung grupo ko. wala kasing leader. pero nananalo naman sa ilang contest e.

>>musta bidding?

hayun, me gusto akong bilhing slave pero hindi ko na binili. naisip ko na me mas mahahalagang bagay na dapat pag aksyahan ng pera, halimbawa bagong portable hard disks.

>>so bakit ka pa umattend kung hindi ka bibili ng slave?

ah. naningil ako ng utang. 250 binigay ni ic, 500 ang binigay ni grisel.

>>ah. bat sila may utang?

si ic, hiniram kasi yung capo ng gitara ko, tas nasira. yung ke grisel naman e ako yung nagbayad para sa project nya sa control kasi hindi ata pupunta ng skul.

>>e ano naman ginawa mo dun sa pera?

pinambili ko ng bagong capo., tas bumili din ako ng huling album ng rivermaya with rico, isang ugat isang dugo.actually dapat minutes to love ng kjwan bibilhin ko, hindi ko lang makita. geh tulog na ko.

wuhu! kick ass!

hindi ko akalaing makikita ko si *SPOILER*

at ng namatay si *SPOILER*

at lalo na ng magsanib sina *SPOILER* at spoiler *SPOILER*!

pero super overpowered talaga ang autobots. ang taas ng resources ng decepticons. aba, me intel ang decepticons kasi naka-tap sila sa US satellite.

at ang seksi ni meagan fox!

pero, there is still more to come sigurado.

anjan pa yung mga dinosaurs. remember?

at tutal isinama na rin si scorpionox, baka isama na rin in the next series ang maximals.

looking forward for the third.

since the insertion of this blog into my day to day existence, i have always credited the pre-class stage– that is, before the class resumes, i look back at my past and see how far i’ve reached, and watch out for more tragedies that will come my way.

ok! simulan na!

let me tell this in all caps.

SA WAKAS, FIFTH YEAR NA AKO!!!

me subject nga lang ng fourth year. pero

SA WAKAS, FIFTH YEAR NA AKO!!!

i will be starting my OJT tomorrow. it will be served to me hot and sizzling by PLDT Batangas.

sabi nga ng kanta ng indie band na The Bridge,

“malayo-layo na rin ang ating narating..”

malayo na nga rin ang narating ko. parang kelan lang, asa quicksand ako ng buhay, pero ngayon, uhmmm…asa quick sand pa din? hindi na.

wala nako masabi, hanggang dito na lang siguro muna.

Galing ako nung isang araw sa banaba, sa bahay ng girl friend ko. namiyesta ako sa kanila e. mejo ginabi na ako ng uwi. siguro mga past 9 na ako nakarating sa bayan. dun ako bumaba sa me stop light, kanto ng Metrobank, gotoking, LBC at BDO. Diretso ako lakad sa Rizal Avenue papunta dun sa paradahan ng jip paamin. ng me nakita akong bata na nakaupo sa bukana ng hagdan papunta sa bay radio.

nanlilimahid ang bata.

may hawak na supot.

at nakatutok ang supot sa ilong at bibig.

.

..

….

PUTANG INA ME RUGbee BOY NA RIN SA BATANGAS?

unang beses kong magkita ng taong tumitira ng rugbee. gusto ko sanang kunin yung plastik na hawak nya at sawayin yung bata, kaya lang masyadong patriotic ang dating. tsaka sabog na yun, banatan pa ako nun./.

..

..

..

napaisip ako. ano na ba ang meron sa batangas ngayon at me rugbee boy na?

parang, biglang baba ang tingin ko sa bayan.

parang, nabadtrip ako bigla ke mayor.

sa pamilya na na kasing tagal ko na pala sa mundo hawak hawak ang batangas city.

bakit me adik sa rugbee na bata sa kalye?

sabi sa tv, isang tira lang daw nun, hindi ka na magugutom.

kagutuman kaya ang dahilan?

nagkalat ang mukha at pangalan ni mayora sa kung saan-saan.

tarpaulin. pintura. At putik naman.

PATI SIM CARD NG TM??????!!!!!

si congressman naman,

nakatanggap ng pera kay pangulong arroyo,

aspaltadong daan sa me supreme,

aspaltuhan ba naman ulit????

ang dami pang hindi magagandang daan. halimbawa yung sa twin villa papuntang diversion.

at anjan si batang rugbee. namamalimos sa may metrobank. namamalimos ng isa pang bote para makalimot.

sana sa bawat walang saysay na pagwawaldas ng pera ninyo, isipin nyo ang mga nagugutom na pilipino. hindi yung puro kayo pableach ng balat.

quote nyo saken to ha.

 

“Ang love, parang Presentisized PCB.

Hindi mo alam kung tama na ang ginagawa mo hangga’t hindi nadedevelop.

Kung may problema naman ang pagkakadevelop bago mo ito ietch,

pwede mo namang amyendahan.

at laging tatandaan, dapat tama lang ang babad sa developer at ferric chloride, kasi masisira ang PCB pag nasobrahan..^_^”

nag-away na naman kami.
este, mali pala.
inaway na nya naman ako.
dahil sa text.
me mali daw akong ginawa sa text message na pinadala ko..
at surang sura siya.
hindi ko naman matanong kung bakit siya nagalit dun.
napakabilis nya mainis.
maiyamutin.
parang babaeng laging meron.
maiksi ang pasensya.
parang isang toneladang dinamita na may napakaikling mitsa.
at hindi pa basta basta napapalamig ang sitwasyon.
kung sabagay, ako naman yung me kasalanan.
bat ba xa maiinis e di dahil sa akin.
lagi namang ako.
pero me mga bagay na kailangang ako ang umako.
doormat ako.
siguro nga.
hinahayaan ko na lang siya.
hindi puwedeng sabayan ko ng apoy ang apoy.
kailangan patayin ang apoy,
kahit na magkanda paso-paso na ako.
oo may mga ugali siyang di kaaya-aya.
pero, bawal na dun lang ako tumingin.

i see beyond her faults.

sabi nga sa bible, hindi ba mas magandang mahalin ang mga taong hindi madaling mahalin?

siguro kung ibang tao sumuko na sa ugali nya.
pero, hindi ako.

wala pa ang puting bandila,
sulong ang pula.

written april 14 2009

introduction

May naisip akong tula kanina habang naliligo ako. Yun nga lang, pagkatapos kong dampian ng towalya ang katawan ko e hindi ko na maibalik kung anuman ung naisip kong iyon. gagawin ko sanang kanta, kasi onfire pa naman ako e. yun nga lang, untimely. parang yung sinabi ni…ahmmm…sino nga yun?..teka…yun naalala ko na. Parang yung sinabi ni barry manilow. ‘We have the right love at the wrong time..’ tipong ganun? asa mood pero wala sa timing?

design and development stage

“I am being haunted by my past.” binabangunot ako ng kanina. Oo. Kanina lang kasi nangyari yun. Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng petsang ito. Bukas ang pangalawang taon ng binyagan ng gitara kong si ria, pero sa tingin ko wala namang kinalaman yun sa kalokohang pinagdadaanan ko ngayon. siguro, gumawa muna tayo ng recap.

flashback. 1 year ago.

Mahigit isandaang taon na ang nakararaan, este…joke lang.. May isang taon na rin ang nakakaraan mula noong *ehem* ibinagsak ko sa unang beses ang Eco (It’s Eco-351 Engineering Economy for the untrained professionals). Hawak yun ni Ma’am Merci. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umabot sa removal. Hindi ko na din kasi inalam. Basta nung nalaman ko na ang marka ko e kasing dami lang ng daliri ko sa isang kamay e wafakels na ko. bagsak kung bagsak! ayos lang kasi saken. mapride din kasi ang hayop. hindi ko din naman naintindihan ng ayos ang eco. talagang kelangan kong ulitin kasi gusto kong matuto. ayokong pumaris sa iba na pumasa lang dahil sa nag-aral ang katabi. punong-puno pa ako noon ng ideyalismo. disinuwebe pa lang ako noon, mataas at matikas ang pangarap, hindi padadaig sa kung anumang demonyo ang umiikot kapag hindi na umiikot ang rolyo ng kamera.ang tingin ko kasi sa exam noon e parang stage play. pag hindi mo saulo ang script mo e todas ka, kawalan mo, at kasiraan ng buong play. hindi sya kagaya ng mga sine na pag nakalimutan mo ang linya mo e ‘CUT!’ tas kunin ang script at basahin muli. surang-sura ako sa mga taong puro gaya, o kaya nagtatanong sa katabi. kinamulatan ko na yun pagkabata. masama ang mandaya. at ang mga nandaraya noong nag-aaral pa ay may tiyansang mandaya din pag tanda na. isipin nyo na lang kung anong klaseng pandaraya ang ginagawa noong college ng mga pulitiko natin.

Bukas-loob kong tinanggap ang busog na busog kong marka sa eco. hindi ko din naman maaalis sa sarili ko na medyo nabadtrip talaga ako kay ma’am merci. 5.0. yun lang kasi natatangi kong singko noong semester na yun. hindi man lang umabot sa removal. yung mga removal kasi sure pass noon kasi nagpaproject si ma’am.
yun lang ang ibinagsak ko noong semester. kakagaling ko pa lang noon sa kahindik-hindik na pagbagsak ng 11 units noong first sem, at nagsisimula pa lang humilom noon ang mga sugat ng mga ibinagsak kong subject, tas biglang me bagong sugat ulit? ouch! tas sura pa ako ke ma’am kasi naman super obvious na overpriced ang kanyang manual. 250php para sa isang manipis na libro na double spacing, at may mga typhos na simula ata noong unang nagawa ang manual na un ay hindi na naitama pa ni ma’am. sinubukan kong magpadrop kay ma’am pero sumablay ako. sabi ko kasi magiging probi (on provation) ako pag hindi ko idrinop ang eco. dala-dala ko noong yung provi letter ko, november 10 2007 ata ang date nun, at nakasulat doon na 11 units ang naibagsak ko sa isang semester. pero hindi yun kinagat ni ma’am kasi pang last sem yun provi kaya yun, 5.0 sa eco ang tinanggap ng inyong abang lingkod.

hindi naman ako nag-iisa na bumagsak doon noon e. medyo may bilang din sila. kaya lang dahil sa mga prereq at mas mahahalagang subjects ng mga ibinagsak ko noong first sem e hindi ko kinuha ang eco noong una kong summer sa taas. di hamak naman na mas mahalaga ang circuits 2, advanced engineering mathematics at ang probability and statistics kesa sa eco. wala na kasing kasunod na subject pa ang eco di tulad nung tatlong nabanggit ng mga paksa. sa ECE 322 na section ko noon e tatlo kaming naiwang 5.0. ako, si kevin at si closa. lahat kami e hindi yun naenroll ng summer dahil sa full load na kami ng mga mas matitimbang na mga subjects. napagusapan (yata) namin na sa 4th year summer kukunin ang eco, o kaya ay sa 5th year second sem para sure pass. yung ibang singkolars e kinuha nila noong summer ang eco. pumasa naman sila. suya.

 

balik sa katotohan.

at lumipas ang summer. at dumaan ang first sem ng fourth year. parang magic na dumaan ang first sem ng fourth year. akalain ba naman, wala akong ibinagsak ni isa? 2.25 ang highest at shempre 1.33333333333333 ang laging lowest. kaya sinugod ko ng buong lakas at tibay ng loob ang hambalos ng second sem.

dahil nga ireg ako, meron akong hindi makukuhang subject na offer sa fourth year, kaya underload ako ng 3 units. pinag-isipan ko kung kukunin ko ba ang eco o hindi noon kasi underload ako. chineck ko muna ang mga existing schedules sa iba’t ibang departments. IE, conflict. suya. IE at ECE lang pala ang may offer. Kaya tinignan ko sa ECE kung swak ang sked sa sked ko. sa pinagkamalas-malas nga naman ng pagkakataon, swak ang sked ko sa third year. walang conflict sa oras. ang tanging conflict? si ma’am merci uli ang magtuturo.
dapat talaga hindi ko muna kukunin ang eco ulit ng second sem, pero kinakabahan ako sa mga inenroll kong subjects kay sir tirso, ang maalamat na Control Systems at Digital Signal Processing. Yung nagdaan batch kasi na hinandle ni sir e kokonti lang ang pumasa sa control at lahat naman ay ibinagsak sa DSP. yung upperclassman ko bumagsak kaya inanticipate ko na maaring ganun din ang mangyari sa amin. at kung ibabagsak kong ang control at dsp ay kailangan ko siyang kunin ulit ng summer. e me regular summer na ako na 3 units. kung kukunin ko pa ulit ang kontrol at dsp ay madadagdagan pa ng 6 units ang load ko sa summer. 10 units ang limit. ibig sabihin kung binabalak ko pa ding kunin ang eco ng summer ay wala ng pag asa kasi lalampas na ako sa limitasyon ko (wow, parang naruto a..hehe). kaya hayun, tutal swak din naman ang sked ko e kinuha ko na ang eco ng may pagaalinlangan.

napakaganda ng sked ko noon. pag tuesday 2-3, tas pag wed at friday ay 7-8. good gracious! pag tuesday kasi dapat labas na ako ng 10. ibig sabihin 4 hours vacant? holy kamote! pag wednesday naman dapat ang first class ko ay 10. 2 hrs vacant! tas ang mahirap pa duon ay ang gumising ng maaga para pumasok ng 7. ang bad trip pa minsan ay pag nagmamadali ka sa umaga tas hindi pala kayo sisiputin ni ma’am merci. pero lahat yun tiniis ko kasi kasalanan ko din naman kung bat ko kinukuha ulit ang eco.

at dumating na nga ang oras ng katotohanan. inilabas na kanina ang pinagkahihintay hintay na resut sa eco. imagine, nag-intay ata kami march 26 tas april 14 lang nairelease ang nacompute ang grades? underhand din kasi ang school sa employees, madami ding inaasikaso siguro si ma’am, tsaka tamad yun magcheck. nakita ko ang marka ko.

Lima. 5.0. Singko. Ulit. Again.

Kinausap ako ng arcade sa quantum. Game Over. Try Again. Insert Coin. Hinanap ko din kung me sign na ‘Ayawan na.’ ‘Joke lang yun.’ ‘Abort, Retry, Fail?’ ‘Gago bat mo kinuha e sira ibabagsak mo din naman pala!’ pero wala akong nakitang ganun. Sinampal ako ng buntis kong marka. pero kagaya nung una kong bagsak, parang wala lang. aminado na kasi ako na babagsak ako. pinatigas ko na ang loob at puso ko sa ganung sitwasyon. masakit pero kailangan kong umabante na naman. inisip ko kung ano ang iniisip ko dati.

pero kahit anong gawing pagpapatamis ko ng kalamansi ay hindi pa rin naitago ang taglay nitong asim. ngumibit parin ang mukha ko. ang tingin ko para lang akong kinagat ng ahas na may lason. pagkalipas pa lang ng 30 minuto mo mararanasan ang lason.

nagkalamat ng kaunti ang pinatigas kong loob. konti lang. kinapalan ko ang mukha ko at lumangoy ako sa dagat ng tao na nakahara sa harap ko. ang tanging balakid na humahadlang sa akin sa paglapit kay ma’am. amoy pawis, amoy mabahong hininga, at amoy kili-kili ang maruming dagat. idagdag pa ang temperatura nito na nakakapanglimahid. tiniis ko iyon, me kailangan kasi akong ilaban. at ng makalapit ako kay ma’am, unti-unting bumilis ang pintig ng puso ko, lumalim ang paghinga ko. kinapalan ko pa lalo ang mukha ko at ihinanda ko ang sarili ko sa unos.

‘ma’am pwede pong makita ang marka ko?’

‘pangalan?’

‘Pulusan po.’

‘Section?’

‘ECE 321 po.’

alam kong singko na ako pero tiningnan ko pa din. nung makita din ni ma’am ang pangalan ko ay ipinahanap sa akin ang semis ko at finals. hinanap ko na din. at pagkatapos noon ay ihinanda ko na ang dapat kong sabihin. huminga ako ng malalim at kinausap ulit si ma’am.

‘ma’am, puwede ga po na ipasa nyo na lamang po ako? take two na po kasi ako.’

sceptical si ma’am. tiningnan ang mukha ko. hindi ata makapaniwala sa narinig.

‘take two ka na ga?’ sabay tingin sa aking mukha. tumango naman ako.may mga third year na ece sa paligid at sinuportahan nila ang aking aklamasyon.

biglang nag-isip si ma’am. natahimik. pero mabilis ding nagbigay ng desisyon.

‘hindi puwede.’

meron din daw kasing take two na ME na 5.0 din. kaya hindi puwede ang aking apila. Nag-isip ako ng kaunti at ginamit ang aking plan B.

‘ay xa ma’am, puwede na ga lamang po akong magremoval din bukas?’

tiningnan ni ma’am ang marka ko. 69. 70 ang quota ng removal. at mabilis naman din xang sumagot.

‘sige kumuha ka bukas.’

after lunch, cover to cover. ang topics na hindi ko ipinasa mula prelim hanggang finals ay xang basehan ng removal. papasa kaya ako? nagpasalamat ako kay ma’am at umalis ng kwarto. hindi maganda ang kinalabasan pero pwede na rin.

pero hindi pa din ako nag-aaral. adik talaga ako. pagkarating ko ng bahay nanood muna ako ng full metal alchemist brotherhood at one piece. baldado kasi ang katawan ko. pagod sa maghapon, at dala pati ang sakit ng katawan ko kahapon. umaasa na lamang ako sa isang special project ulit pagkatapos ng removal. hindi kasi ako umaasang ipapasa ko ang hindi ko nagawang ipasa mula prelim hanggang finals. hindi na ako umaasa para hindi maxado masakit. at kung papasa ako super thankful ako.

pagod ang katawan ko ng may gumimbal pa ulit sa akin.

paalis na ako noon, magpapaencode sa main. ieenroll ko na kasi ang shop. ng nakasalubong ko si jay.

‘ngayon na daw ibibigay ang control at dsp ah.’

‘ngayon na?’

‘oo, ngayon na.’

kaya pala xa nagmamadali mula labas. yun pala. kaya bumalik na rin ako. iniintay ang sintensya.

matapos ang mahabang intro, binasa ni sir ang marka ng lahat isa-isa.

4.0 ako sa DSP. 5.0 ako sa Control.