Archives for category: Uncategorized

God gave me music. And music is in my roots. Hindi ko maipaliwanag kung paano ako naging ganito kasaya sa buong buhay ko. Ganito siguro yung sinasabi nilang pakiramdam ng self fullfilling, o yung pakiramdam ng puno at wala ng hahanapin pa. Salamat po sa Lord sa araw na ito! Sabi nga nung kanta:

 

Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, tayo’y magsaya!”

Definitely isa ito sa mga pinakamasasaya kong araw, ang araw na punong puno ng mga surpresa at kaligayahan, at mga bagong kakilala at kaibigan. Iniisip ko pa kung ikukewnto ko ng buong detalye o hindi na.

Dati kasi, pag nasusulat ako sa blog, buong detalye, kasi napa lungkot ng buhay ko noon. Wala akong nakakausap, wala akong napagsasabihan ng mga masasayang yugto ng aking buhay. Pero iba na ngayon. Pero sige, subukan nating ikwento paris ng paraan na ginagawa ko dati.

 

Nagsimula ang araw ko sa simpleng alarm ng 5.55am na pinatay ko lang at tinulugan hannggang sa magising ako ng 8am dahil sa panggigising ng aking nanay. Walang sinabi pa rin talaga ang cellphone alarm sa tawag ng nanay. 9am ang call time ni Sr. Pia, kailangang magmadali.

 

Kagaya ng inaasahan, late ako. Paulit-ulit ng sinasabi sa akin ang kawalan ko ng sense of time, pero mukhang hindi ko pa din naitatama iyon. O talagang slacker lang ako ngayon kaya sira ang body clock ko. Kahit papaano kahit namimick-up ng pasahero yung jip na nasakayan ko, nakarating naman ako ng SBC ng wala pang 9.30. Mga 9.23 ata yun. Unang beses ko iyon pumasok sa gate ng hindi nagpapakaon nga pala sa taga loob. Nahihiya kasi akong pumasok noon. Kahit alumni ako, may hiya pa din ako kahit mayroon naman akong sadyang pakay. Pagkapasok, dali dali akong nagpunta doon sa Convent Parlor upang umattend ng praktis. Gaya ng inaasahan madami na ang tao at para bagang ako na lang ata ang wala.

 

Ngayon ko lang naisip, dapat pala humingi ako ng late slip kay Sir Siyangbigay, na naandun din at nag-aaral ng kanta. Nagbubuhay high school ba daw. haha.

 

Bukod nga pala doon kay Sir Siyangbigay (na asawa ng isa sa mga paborito kong guro noong high school) ay marami pang tao ang bumuo sa lupon ng kakanta para sa Christmas Eve Mass sa SBC Auditorium. Hindi ko na sila maiisa-isa pa, pero andun ang faculty ng grade school at high school departments, ang ICAP, si Sr. Pia at siyempre ang sampid na ako. Nasa patapos na silang bahagi ng pagpapraktis. Awts! Pero buti naman ang gumawa ulit si sr.pia ng run over from the top, kaya nakasunod na naman ako.

 

Isa sa mga hindi ko inaasahang sandali ang mga sunod na nangyari.

 

Para sa Kyrie, dahil sa strong sense of volunteerism, ivinolonteer ako ni Sir Raffy para sa solo. Without hesitation naman ay pumayag ako. Ang problema lang ay hindi ko pa iyon nagagawa sa buong buhay ko. Kumakanta ako sa battle of the bands, pero ibang style naman ng pagkanta ang battle of the bands. Pero sige subok lang! Walang masama sa pagsubok. Kung hindi ko naman kakayanin ang pagkanta, madali naman ako mapapaltan. Isang pulutong iyon ng mga manganganta, madaming pwedeng replacement para sa akin.

Agad akong dumain kay Sr. Pia kasi hindi ko naman alam yung mismong tono kasi ng kanta. O Little Town of Bethlehem daw, hindi naman ako pamilyar pero maganda ang himig. Traditional christmas song daw iyon. So sinubukan kong kumanta. Mukha namang nakuha ko, hindi na humanap si Sr.Pia ng kapalit ko e.

Natapos ang praktis at binigyan kami ng meryenda. Yey! Nag stay back ako kasi uulitin daw ni Sr. Pia ang praktis para dun sa Kyrie at sa Communion song na O Holy Night.

Pero may hindi na naman ako inaasahang nangyari dun sa O Holy Night. Mataas taas din yung kantang iyon, kasama ng second voice. Kaya puspusan na yung aking gagawing pagsasanay.

Matapos kumain ng pananghalian ay nagbalik ako sa aking kumikitang kabuhayan. Nakakatuwang isipin na malaki na din yung iniiuunlad nung tinuturan ko sa gitara. Hindi ako naniniwalang successful akong teacher, naniniwala akong magaling ang aking estudyante. Nakakatuwang isipin na yung methods na pinag-aralan ko through trial and error noong nagisismula pa lang ako maggitara ay nakukuha nya agad. Iba nga pala pag may gabay na ibinibigay mula sa isang mentor.

 

Sunod namang nangyari e ang praktis ng ICAP. Wala naman talaga ako masyadong naitulong na ngayon, nag-aral kasi sila ng boses, hindi ko naman iyon forte, kaya ang ginawa ko inusyoso ko yung mga gitara ng mga gitarista. Tas may nakita akong Nylon string guitar na kasing amoy ng acoustic ko na si Imogen in terms of kahoy. Tuwang tuwa at wiling wili ako sa tunog. Iba nga din pala pag magandang klaseng gitara ang gamit. May idea na din ako sa dapat amoy ng kahoy. Inusisa ko na rin yung ilan sa finger style, kung gumagamit ng flesh o nails, at binubuyo yung iba kumanta.

Masaya din ako nung nakita ko na sumasabay na yung tinuruan ko noong Linggo ng simplified strumming version para makasabay. Medyo may konti pang problema pero nakakasabay na. Me nakita pa akong hindi tuong makasabay. Tuturuan ko sana pero hindi na ako makasingit. Pero masaya pa din ako na kaya ng makasabay nung tinuruan ko. Masaya nga pala sa pakiramdam pag alam mong nagamit ng tinuruan mo iyong itinuro mo. Minsan sumasabay ako ng paggigitara, pero minsan lang iyon. Mahirap din ang mangapa ng chords.

Pagkatapos ng kanilang praktis, dumiretso ako sa Basilica upang magbigay na marubdob na pakikisawsaw sa Magnificat Chorus. (Ang title nga pala ng post na ito ay “Bakit Ka Ba Mahilig Sumawsaw sa Awit ng May Awit?”). Mukha namang ayos ang pagkanta ko kahit medyo para akong taong nangangapa sa dilim. Matiwasay namang natapos ang pagsawsaw ko sa kanila, fullfilling feeling pa din kasi ang sarap nila kumanta, ang sarap nilang kasama. Kailangang mag-improve pa ako para hindi naman ako kahiya-hiya sa harap nila. Ang boses ko kasi ay parang batang paslit kumpara sa mga kaya nilang gawin.

Pagkatapos nuon ay nagpaulan kami patungong KFC. Buti alam ko na ngayon na pwede ko kainin ang spaghetti sa KFC at lumaklak ng Krushers. Punong puno ang tiyan ko kasi bukod sa Spaghetti e busog ako sa kwento at halakhak ng mga kasama ko. Napaka simple pero minsan the most simple are the ones most treasured. Buti na lang may kumikitang kabuhayan ako kahit papano, ay di nakakasama ako sa ganun at nakakakain na din.

Pero siyempre, kailangan ding magtapos ng araw, isa-isa kaming naghiwalay ng landas. Incidental na umuulan. Matatapos na ang masayang araw, pero punong-puno pa din ang puso ko. Ang final moment ngayong araw ay noong inihatid ko si Ina sa kanila. Iyon na talaga ang tumuldok at nagsabing tapos na araw na ito. Pero so what? May bukas pa at may mga susunod pang araw na magiging pagkakataon upang makasama ko ulit sila. Nabasa man ako ng ulan habang naghahatid, kaunting bagay lang iyon para sa saya na dala ng buong araw. Bat ko ba hahayaang sirain ng ilang marka ng dumi ang isang malinis na papel di ba?

Gusto ko pa maibigay ang time ko sa kanila at maishare ang mga kayang kong gawin. Alam ko namang hindi ako ang pinakamagaling na organista, gitarista o bokalista, pero ang alam ko, ibibigay ko ang lahat kung ang mga ito man ay kailanganin. Para talaga akong sira ulo na habang nag-iintay ng tawag sa mga inapplyan ko ay nagsasaya sa larangan ng musika. Musika ang naging katuwang ko noon sa panahon ng lungkot noong kasing edad ko ang mga asa ICAP, pero ngayon, musika ang nagiging paraan ko para maging masaya. Maraming salamat sa regalo ng musika.

 

 

 

 

 

 

 

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.
  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting  page you read on the web.
  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can alway preview any post or edit you before you share it to the world.

Napakababaw ko nung sinabi ko na hindi ganung ka pressured ako pag nagtake ulit ako ng board ngayong April. Tanda ko pa nung tinanong ako ni Kiko kung nakakatakot pa din ang pakiramdam na kukuha ako sa April. Buong yabang kong sinabi na hindi na ako ganung kinakabahan, kasi alam ko na ang gagawin, at isa pa, naka experience na ako ng board. Pero dun ako nagkamali.

Nung sabado, feb26 nangyari ang preboard ng inenrollan kong review center. Hindi naman yun ang una kong beses na kumuha ng simulation exam, at nasubukan ko na ding kumuha ng actual board exam. Pero simula noong umaga, dinasal ko na sana iba na ang kahihinatnan, hindi tulad ng mga eksena noong nagdaang taon sa actual board. Pero sabit, lahat na ata naulit.

Mula sa paggising ng maaga at ang walang kagana-ganang almusal, ganun ang nangyari lahat. Oo. Walang kagana-ganang almusal. Hindi naman sa hindi masarap ang kinain ko kahapon, hindi lang talaga siguro sanay ang sikmura ko na tumunaw ng pagkain pag ala-6 ng umaga. Sanay tong lumiyok at mangasim ng 9. At dahil ganun na nga ang pagkakaprograma nito, inaasahan ko ng makaranas ng matinding kirot at pangangasim sa kalagitnaan ng preboard.

Sabi nila, stress daw ang nagdudulot ng pangangasim. Ewan ko nga ba, naiistress pa nga ba ako? Baka sa longitudinal stress pa na patabi, lumalapad ako e. Pero physical stress? Hindi naman siguro. Hindi naman nakakastress ang tumira sa ibang bahay, ang makisama sa bagong set ng tao, ang gumalaw sa panibago na namang environment, at ang mawala ang mga kinagisnang gawin sa buhay, tulad ng pag-iinternet at panonood ng National Geographic. Idagdag pa natin ang pagdidilig at pagbabaon ng basura, ang paminsan-minsang pagpapakain ng mga alaga sa bahay at ang pagpasyal sa sagingan. Pero yung lahat ng kinasasanayan kong pastime e handa kong kalimutan para sa isang daydream.

Oo. Tama. Daydream. Noong isang araw, naisambulat ko sa sarili ko. Magreretire ako sa early 40s, madami na akong pera, magkakaroon ako ng farm at mag-aalaga ako ng mga hayop. Livestock industry sana. Konting baka sa gitna ng luntiang parang, habang ako naman ay nakasilong sa lilim ng puno at umiinom ng isang basong fresh milk. Parang New Zealand ata yun a..hehe.

Hindi ko alam kung seryoso ang pangarap kung yun, pero ang gusto ko lang ay ang lumagay sa tahimik at ang magkaroon ng simpleng buhay. Nasasabi ko rin noon na kahit sa bahay na pawid lang ako tumira, pero may nakaparadang fortuner..haha. Pero sa hindi pagbibiro, gusto ko ng tahimik na buhay, payak at walang hasel. Hindi ko pinangarap na mamuno sa isang grupo ng tao sa isang kompanya. Alam ko din naman kasi sa sarili ko na hindi ako pinanganak para mamuno. Habang buhay na ata akong nakatakdang maging disipulo, at mukhang hanggang sa pagtanda, ang pagiging disipulo ng sarili kong imahinasyon ang masusunod.

Mabalik tayo sa kuwento.

Unti unting sumikat ang araw. Sumusungaw na ang liwanag sa mga konting siwang ng langit nung umalis kami ng boarding haus. Tungo sa La Consolacion College ang aming pakay. Dun kasi magaganap ang overture para sa second holocaust ng buhay ko. Suot ang pamilyar na puting pangitaas, maong na pantalon at ang tubal na tubal ko nang puting sneakers, sinalubong namin ang lamig at usok ng kamaynilaan.

Wala namang problema sa lakad, bukod sa medyo malayo, at masangsang ang amoy ng ilog, wala na nga atang iba pang problema. Nilakad namin ang daang tuwid at nakahanay ang mga taong puti ang suot na parang mga guyam. Lahat pupunta sa bahay para husgahan, hatulan, at timbangin sa pamamaraang hindi naman talaga nagbibigay ng kahulugan sa tunay mong pagkatao.

Pagpasok pa lang ng gate ng LaCo, weee! Ang saya! Sa loob ng mendiola ay may tahimik pa din palang lugar. Hindi ko alam kung Sabado lang ba talaga, pero parang napaka serene ng paligid. Isang nakakabinging kapayapaan bago ibagsak ang atomic bomb.

Sa totoo lang, hindi na bago sa akin yung pakiramdam na iyon. Parang ganung-ganun din ang naramdaman ko nung unang araw ko sa MLQU. Hindi naman siya sobrang tahimik, pero basta! Tahimik. Ganung-ganun din ang pagmamasid ko sa mga sulok at gilid.

Ang kewl sa loob, napaka archaic! Sa admin building kasi ako napadpad. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron, pero nakakagaan talaga ng pakiramdam pag nagkikita ako ng mga antigong lugar, lalo pat kahoy. Mejo kreepy, pero mas mataas ang paghanga ko sa pagmiminteni ng gusali. Pati nga mga stage, lobby, chapel, at mga palapag, me certain errrr….katahimikan. Kaya kahit medyo nakakaligaw ang mga taas baba sa paghahanap ko ng mga room, okay lang, kasi parang kool pa din, chill pa din. Relax pa din. Hanggang sa nakita ko ang room.

Medyo hindi pa puno ang room. IBig sabihin, meron pang mas nahihirapan sa akin hanapin ang 306! Grabe! Phew! Malamig na tuyong hangin galing sa aircon ang umiikot sa loob ng room. Umupo ako malapit sa unahan at nagpakalma. Nagpakalma ng sarili para sa mangyayari. Tulad nung actual board, hindi ako kinakabahan. Excited ako. Ang kinaibahan lang ngayon, alam ko ng mahirap ang exam, pero excited pa rin ako e! Wala tayong magagawa.

Ng puno na ang room, howli kamowti! Reunion! Oo, nagreunion kami. Yung ilang testing school mate at roommate ko noong actual board exam ay nandun din. Ewan ko nga lang kung tanda nila ako, pero yung ilan dun tanda ko. Ang alam ko masaya dapat ang reunion, pero pano ka ba sasaya kung ang dahilan ng pagkikita nyo ulit ng mga taong yun e dahil sa pagbagsak ng board exam?

Ng matapos kung maisulat ang mga dapat maisulat, para akong tanga na nagpalinga-linga sa room. Meron kasi akong dapat iconfirm. Sa looks ng room naconfirm ko na na room ito ng elementary. At lalo akong nangilabot ng malaman kong room ito ng grade 3. Oo. Grade 3. Ano bang meron?

Noong actual board kasi noong november, room din ng grade3 ang kinabagsakan ko. Hindi sya deja vu, pero nauulit ang nangyayari.

Kalagitnaan ng exam noong umaga, dumating na din ang hindi ko inaasahan. Nagdala na ng masamang side effect ang biglang pagiba ko ng oras ng pagkain, pati na din ang naghahalong kaba at pressure sa loob ko. Naging mega factory ang intestinal tract ko ng weapons of mass destruction. Chemical gas at nuclear bomb? Name it, we have it! At hulaan nyo. Noong actual board din noong noveber, noong first day, 30mins matapos magsimula ang exam sa math, parehong pareho din ang nangyari. Hindi ko  alam kung kasama ba talaga yun sa dapat kong maexperience ulit, pero hay. Kaya pa namang tiisin kahit papaano. Kahit alam kong nalalason na ang aking dugo, hindi ko kasi tukoy kung nasaan ang dakilang trono na magsasalba sa sangkatauhan.

Nung matapos ang unang exam (natapos ng around 10), humupa ang unos, at nagpasya muna akong jumingle. At saka ko na lang napagtanto din na wala pala akong dalang pera. Howli kamowti! Anong mangyayari sa aking lunch! Masyado akong nasanay na merong lamang pera ang dala kong bag, pero ngayon, barya barya lang talaga ang laman nito. Pero kahit paano naman, nung dumating ang tanghalian, nakaraos ako. At nung matapos naman ang exam, nairaos ko na din ang isa pang dapat kong iraos.

Sa kabuuan ng nangyari, naging maayos naman ang preboard. Hindi pa din ako umasang papasa ako, pero, wat a experience! Kinagabihan e umuwi din ako ng batangas para kumuha ng lakas para sa panibagong linggo. Panibagong pakikibaka na naman sa isang problema na halos isang taon ko nang sinusuong. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko pa kayang pahabain ang buhok ko, pero sana, jan jan banda, maipapagupit ko na ito.

Tandang tanda ko pa noon yun. Sa iba, ordinaryong Sabado lang yun. Pero sa akin, impiyerno na yun.

 

Pagod at puyat. Tandang-tanda ko pa iyon noon. Ang huling Biyernes na naging excited ako at hindi makatulog ang nagdala ng dahilan kung bat ako naging puyat noong Sabadong iyon. Hindi ako makatulog hindi dahil sa kaba kundi dahil sa excitement. Siguro, sa loob loob ko, emotionally prepared na ako. Hindi ito yung tipo na no choice na ako at walang atrasan. Oo walang atrasan pero hindi no choice. Gustong gusto ko nang magbukas. Andami nang nagpapakalma ng loob ko, andami nang mga good luck, andami ng mga dasal. Andami dami ng dahilan upang hindi bumagsak.

 

Sabado. Alas 4 ng umaga. Tumunog ang alarm ng mga kasama ko sa bahay. Isang malamig at tahimik na madaling araw iyon, hindi mo akalaing may nagbabadya pala noong delubyo. Isa isa kaming nagsipag ligo ng mga kasama ko at nagmaagang almusal upang ihanda ang sarili. Tanda ko pa ang ulam ko noon, Tuna in fish oil. Mainit ang bagong saing na kanin, pero parang nakasama pa ata iyon sa nagngangalit ko ng loob.

Napagkasunduan noon na magtatagpo kami sa Noval, doon sa isa pang boarding haus ng aking kaklase. Sabay sabay na daw kami pupunta sa aming respective testing centers. Suot ang aming mga puting pang-itaas, pantalong maong, mga lapis na tinasahan na ng ibat ibang orasyon at calcu na may basbas ng banal na tubig, nagpunta na kami sa Noval. Dahil medyo dilim at tago pa ang araw noong umalis kami ng aming dorm, madalang ang jeep na dumadaan, at nagpasya kaming sumakay ng kuliglig, sa mas mataas na night rate. Grabe, eto ang ayaw ko sa mga tricycle, mga oportunistang nananaga ng presyo. Dahil nagmamadali, kinagat na namin ang 60php para sa wala pang isang kilometrong distansya. Literal na mula sa kabilang kanto ng UST hanggang sa kabilang kanto ng UST, 15php each kaming apat.

Dumating ako sa Arlegui ng sarado pa ang gate nito. Nung nagbukas ay saka ako nag-almusal, Kariman at tubig. Binigay namin ang good luck sa isa’t isa. Kampante ang loob ko, siguro naman kakayanin ko ang board exam, tiwala lang sa Diyos na pagbigyan ang hiling. Kampante kong finillupan ang dapat fillup-an, at nagdasal ng kaunti, hinintay ang oras ng paghuhusga habang humihigop ng mainit na kape. Pinagmamasdan ko noon sa labas ang katahimikan ng paligid, at sinariwa ang rutang dinaanan, ang lintek na methane filled na estero at ang mga residente sa paligid nito na immune na sa amoy, ang nagbebenta ng ruler, lapis, pekeng sobre at mumurahing calculator sa labas.

Nagsimula na ang exam. okay, Mahirap ang no.1. Skip. No.2. Skip. No.3. Skip. Holy karabaw! Puro ako skip! Natetense na ako, lalu na nung makita ko na hindi basta-basta ang sinasagutan ko. Nagmukhang googol ang 50 items na mathematics exam. NAgsosolve ako pero hindi ako sigurado kung tama ang ginagawa ko. Lumilipad ang utak ko, blanko, at parang nakalimutan na ang 6 na buwang pinaghirapan. O hindi ko talaga ito nakalimutan at talagang hindi lang nagpakita sa math? Nanggigil ako ng makita ko ang mga Statistics question. Hindi ako makapalag. Pinasadahan ko ang 50 tanong at napagtanto ang kapalaran na mangyayari sa akin. Sinigurado ko na. Nakatutok na ang baril sa aking sintido. At wala pang 30 minuto ay naghurumentado ang sikmura ko.

Oo. Naghurumentado. Tense, kape, wala sa oras na pagkain. Hyperacidity. Buti na lang may dala akong kremil-s, pero huli na ang lahat, nagpapakaimportante na naman ang pinaka importanteng bahagi ng katawan. PEro tiis muna kaibigan. Mahirap na nga ang exam, mahirap pa ang rambol sa aking tiyan. Hirap na hirap na ako sa buhay ko noon. Iniisip ko kung ano nga ba ang kasalanan na nagawa ko. Iniisip ko kung bat pa ba ako nakapag ECE at hindi na lang nag Mechanical, o ang paborito ng lahat, ang Nursing. Pero huli na ang lahat. Kahit tapikin ko ang pisngi ko at kurutin ang sarili, hindi ako nananaginip. Ito ang board exam. Sa ayaw mo at hindi. Magsolve ng mahihirap na problems at manghula ng isasagot sa multiple choice questions. Yun na lang ang nagagawa ko. Unang araw pa lang, alam ko na ang kapalaran ko.

Pagkatapos ng paghihirap na naranasan ko, nananghalian na ako kasama ng mga kaklase ko. Kumalma ka kahit paano ang tiyan ko. Nakisama, atsaka, it all in the mind! Kami ni Edward hindi makapaniwala na ganun pala ang math. Ang sabi-sabi kasi, madali lang ang first day. Grabe. Mukhang iba nga ang gumawa ng exam, hindi na siguro ang dating examineer, kasi namatay na ang talagang math examineer sa sakit na cancer. Siguro yung second subject ay maalwan-alwan, Electronics kasi.

Umupo ulit ako sa loob ng Grade3 room na aming pinageexaminan. Tinignan ang loob at sinilip ang bawat isang examinees. Hindi nabawasan ng tao, ibig sabihin, wala pang napapanghinaan ng loob. Umaasa din siguro sila na totoo ang sabi-sabi na madali ang electronics, maning-mani! Pero dun ako nagkamali.

Bumuka ang lupa at kinain ako ng buo. Hindi ako makapaniwala na ito ang electronics. Mahirap pa sa mahirap. Bilang pa sa daliri ang masasabi kong madaling question, na nabasa ko. Yung iba ay purong panghuhula na lang talaga ang ginawa ko. Sumipa na naman ang tiyan ko. Nagsimulang uminit ang ulo ngunit pinalamig naman ng aircon. Hindi ko na alam ang gagawin. Para na akong naghukay ng sarili kong libingan. Tapos na ang lahat. Sumuko na ako. Pero, kahit ganun, hindi pa tapos ang delubyo. Meron pang second day, at mas mahirap ang lumalabas sa second day. Umiiyak na ang loob ko sa hirap ang first day at mas mahirap pa ang second day. Grabe. Gumuguho na ang mundo ng pangarap na aking binuo.

-to be continued

Kung naghahanap ka nag social relevance sa post na ito, wala ka makikita nun dito. Ewan ko lang mamaya, masyado naman akong dirediretso sa pagtatype.

Unang una magandang araw sa nagtiyagang magbasa nito. Matagal na rin nung huli ako ngtype. Tinatamad at wala sa huwisyo ako madalas. Busy na rin ako sa maraming bagay. Ganyan na nga talaga siguro pag tumatanda. Sala sa busy e wala naman sa mood magkuwento.

Hindi ko talaga alam kung paano magsisimula dito. Hmmm. Magsimula tayo sa numer0 6.

So, ano naman ang pakialam namin sa numerong sais? hindi yang birthday ko, at lalong walang kinalaman sa astrology. Isa pa hindi naman talaga ako naniniwala sa astrology, kahit minsan e nagkakatotoo. O kahit pa numerology. Isa pa gawin mo yang anim e numero na yan ng halimaw (literally the number of the beast). Magbilang na lang tayo.

Ano ang pang anim na buwan? June.

Magbilang tayo ng isa pa.

1. july

2. august

3. september

4. october

5. november

6. december

Isa pang bilang

1. J

2. A

3. M

4. I

5. E

6. L

O isa pa!

Dahil malaki ang tiyan ko, mas bagay sa akin ang 6 kesa sa 5. Kasi bangungot ang ibinibigay ng 5 sa class cards ko.

Siguro, hindi ko kailangang ipaliwanag pa muli ang sarili ko. Siguro, sapat na yung hindi ko pagkibo. Siguro, sapat na yung ganun. Pero ang siguro, hindi sigurado. Minsan talaga ang buhay ay parang Math. Isa lang ang definite answer sa mga tanong na obvious. Pero ang mahirap minsan hindi mo pa napapagaralan yung equation ipapasolve na lang sa yo ng basta basta. Kaya pag nagkamali ka kahit ginawa mo na ang sa tingin mong best solution e ikaw ang talo.

Talo. Asar talo. Sungit Queen. Ang babaeng araw-araw nagkakaroon. Hindi ko na itutuloy tong paragraph na to.

Siguro, masyado nga lang talaga akong madaling kausap minsan. Oo makulit ako, pero madali din akong kausap. Isa pa isa akong natural na pessimistic. Isang taong nabubuhay sa reality ng buhay. Siguro, tama din naman ang sinabi sa akin nung taong yun kahit pabiro. Tinatanong ako kung kaya kong makasama ang taong iyon habambuhay sa ganung paguugali. Sinegundahan naman nung kasama niya na baka nagger ang kalabasan pag laon. Ewan, hindi ko alam. Pero, me mga bagay na talagang aminado ako ng hindi ko pa alam. Siguro nga bobo ako. Kasing bobo ng karamihan sa ating mga Pilipino.

Dahil sinabi ko ang tungkol sa kabobohan ng Pilipino, magtatype na naman sana ako ng social relevant, pero wag muna.

Siguro, kulang lang ako ng mga bagay na ibinigay sa kanya ng magbibigay at magbabalik ng magagandang alaala. Sa tingin ko kasi hindi mo kailangan ng materyal na bagay para maging masaya. Totoo at tama naman yun, pero ang hindi ko alam ay kung anong alaala at kasaysayan ang naibabalik ng mga bagay na iyon. Tanda ko kung paano ang tumitig sa kawalan pag napapatingin ako noon sa palawit ng celfone ko at noong kinuha ko ang bag ko. Siguro sa larangang yon, nakalamang siya sa akin. Para kasi akong maamong tupa pag nakikita ko yung mga bagay na iyon noon. Siguro, dun lang talaga ako kulang. Kaya, naisipan kong magbigay ng bagay na makakapagpaalala sa akin.

Una kong natatandaan na ibinigay e yung jersey ko. Pero dahil sa kalakihan kong lalaki e parang nagmukha lang evacuee na nakatanggap ng relief good ang pinagbigayan ko. Kaya ayun, inumok na siguro yun sa tukador. Isa pa ay isang sulat, pero, naisip ko, nakatago lang yun sa isang sulok ng kuwarto nya na tanging siya lang ang nakakaalam. Pag kasi nalaman ng buong bahay at nabasa yung sulat na yun e naiimagine ko na ang ngisi sa mukha ng mga kasama nya sa bahay pag nakita ako. SIguro kailangan na ng isang medyo kongkreto.

Naisip ko magbigay ng damit, tutal..hmmm…bakit nga ba? Kasi me ginawa akong drawing sa typewriting. Nung iniscan ko parang magandang gawing damit. Pero, jahe, me christmas tree sa gitna yung drawing ko. Parang hindi mo pwede isuot pag mayo. Isa pa ayaw din niyang magbigay ng kongkretong size ng damit.

(ang title nitong parteng ito e bakit ba me mga taong slow sa mundo?)

Kakatapos lang namin noon manood ng sine ng high school barkada ko ng naisipan kong bumili ng regalo. me 175 pa ata akong natitirang pera noon. Lagi kasi akong gipit sa pera dahil ang dami kong naging gastos, sa katunayan halos simot ang ipon ko. Naisipan ko yung figurine na nurse, pero alangya, ang akala kong 125 lang e 199.75. At least wala pang 200, pero wala na rin sa 200 ang pera ko. Kaya tumaas ang puting bandila sa item na iyon.

(teka bat ba ito ikunukuwento ko..?) Me naisip naman akong iregalong iba. Tutal, siguro, kahit gusto kong magpakaiba, hindi pa rin siya sumasakay sa mga gimik kong kakaiba. Dati nga sa halip na bigyan ko siya ng bulaklak ang balak ko bibigyan ko na lang siya ng cactus na me bulaklak. Kasi ang bulaklak maya maya lang lantayuyot na, ang cactus kahit ata isang buwan mo hindi diligan mabubuhay. Pero sablay. Hindi kasing new age ng utak ko ang utak niya. O talagang wirdo lang ako.

At dahil bulaklak ang usapan, naisipan ko, bumili na lang kaya ako ng sampaguita sa simbahan? national flower pa yun! Pero kinain ko rin sinabi ko ng sinabi ni Manix sa kanyang comic strip. “ANONG TINGIN MO SA GIRLFRIEND MO, JEEP???”

Sa totoo lang wala pa talaga akong nabibigyang babae ng bulaklak. Siguro noong bata kami, pag ipipitas ko ng sta ana ang kapatid ko para igawa ng elesi (pag hindi nyo to alam gawin sa bulaklak ng sta ana ninyo sa bahay e kalahati ng kabataan nyo ang nasayang) pero bukod don, wala pa. Kaya wala talaga ako kaalam alam. Tanda ko noon si Adrian noong nagyayang mangharana ke grace, parang nasabi nyang bibili muna siya ng bulaklak sa Emmanuelle. Kaya noon yun ang naisip kong unang puntahan. Kaya lang, diyahe na naman, Asa kabilang dulo yung ng poblacion. Asa me paradahan ako. Pero dahil adik nga ako, naglakad ako. At talagang mataba ako, kelangan kong magsunog ng choles.

Pero anlaking badtrip, wala na doon yung emmanuelle. Hala, san kaya ako hihikap? Naalala ko yung sa me andoks. Pero hindi ako doon bumili. Pero hindi nagtagal me nakita akong flower stand na naglalako ng mga bulaklak galing Baguio. Magaling mag sales talk si ate, nakumbinsi akong bilihin yung half dozen na me dekorasyon. Siguro mababaw na rin ako magisip at kulang pa ako sa tulog galing sa puyat sa trabaho. Naalala ko tuloy bigla, pagkadating ko sa bahay e naligo lang ako at nagbihis para umalis ulit.

Natuwa naman ako dun sa design noong nayari na. Para ngang gusto ko akin na lang. Sa tingin ko naman kung tatanungin din kapatid ko magugustuhan din niya iyon. Siguro naman maaappreciate nya effort ko dun. Unang beses ko na nga gagawin, kalahating dosena pa agad. Isa pa, noong me dumaan ding buyer sa harap ng stall ni ate e ginamit nyang modelo yung binili kong half dozen, napabili din naman agad yung isa. So, kumbinsing!

Sa totoo lang, me plano talaga ako noong araw na iyon. Pero mukhang naging plano na lang talaga. Oo, noong simula pa lang parang me sablay na. Hindi ko talaga alam kung pangit lang ba talaga ang taste ko o talagang wala lang talaga akong alam sa bulaklak, o kung pano magbigay. Pero alam ko, sala na. Wala na ako narinig kundi bad timing. At maling kulay. Pero Ok lang naman sa akin. First time iyon e, talagang magkakamali pa ako. Hindi ko pa alam. Isa pa, good mood ako noong araw na iyon. Magaling na nga sa Sales Talk si ate, nakakasoothe pa ng loob siya kausap. Pero, ang akala kong Okay na noong nag part ways kami sa sakayan ng tricycle, naging iba na pagdating ko sa bahay. Heavy na ang bagsak ng mga text. Good mood ako pero unti unting binabasag ng mga mensahe niya ang mga bubog na harang. Madali pa man din ako maapektuhan ng ganoon. Kung sabagay bago kami naghiwalay ng landas e hindi na niya ako kinakausap.

Siguro nga, tama siya sa isang bagay na sinabi niya.Kung lagi na lang siyang nagagalit kapag nandyan ako, may isa nang elementong mahalaga ang nawawala. Dulot na kasiyahan sa tuwing magkasama. Tutal, mahirap ibalanse ang bangka kung iisa lang ang katig. At may sinabi pa siya na dapat noon pa man alam na niya ang consequence kapag sinabi niya iyon. Madali akong kausap.

Sabi nga ni Ebe Dancel, “Isang tama, sampung mali, ganyan ako parati.” Siguro ganun na nga ako.

At mukhang hanggang sa dulo, ‘siguro’ pa lang din ang kaya kong sabihin, assumption pa rin ang pagkaksolve ko sa matinding Algebrang ito ng buhay ko.

Ayoko ng ituloy ang kuwento. Next.

Me ikukuwento lang ako. Minsan mo lang talaga ako biglang hindi makakausap, at yun e kapag nagulat ako at nagmumuni-muni, at kapag galit ako.

Ako, bihira ako magalit. At kung magalit man ako ng hardcore e madali ding naaalis.

Kung sabagay, ano ba namang magagawa ko noon. Kunghindi lang din naman ako siguro isang atat. Kakatapos ko lang magbihis noon, paalis na ng bhay ng biglang napospone ang dapat na lakad dalawang araw na ang nakakaraan. Nabadtrip ako doon. Sobra. Sobrang badtrip. Mas badtrip pa sa pinakabadtrip na badtrip. Kung hindi mo alam yun e badtripin mo ako tas kunin mo ang log base 10 tas kunin mo ang n factorial. Ganun. Pero kahit ganun, mabilis lang lumipas galit ko. Parang suweldo lang ni itay, hinipan sa kamay.

ooops, gagamitin na nag kapatid ko. Bitin na naman ata kuwento ko.

edit.

pasensya kana kanina kung wala akong nasabing matino sa loob ng 27 seconds na magkausap tayo. Hindi ako handa, at mukhang hindi ka rin handa. Wag kang magalala. Dumugo din puso ko noong narinig ko boses mo. Parang, lahat na ng kaeng engang pumasok sa utak ko ay nawala. Pasensya na..

Kakakita ko lang ng marka ko sa IE at sa OJT. Haha! 1.0 at 4.0/3.0.

Isang sem na lang! (sana)

At sana, matupad ang matagal ko ng hinihingi. Magkita ng Presidentiable na nagtatalumpati sa harap ko sa araw ng aking Graduation! Hay. Akalain mo nga naman, second sem na ng fifth year. Madami sigurado sa mga kasabayan ko na ang gagaraduate. HIndi ko talaga inaasahan yung umabot ako ng second sem. Ang daming gapang na inam. Pero, tutal nandito na, wala ng atrasan. Isang huling bira at kadyot na lang e isusuot ko na ang itim na kapa at salakot na gawa sa illustration board. HAy…sana talaga, sana.

kakatanggap ko lang ng org shirt namin kahapon. Wala naman nagrereklamo pa siguro. Kasi pag me nagreklamo e eto lang masasabi ko.

“Kung ayaw nyo ng disenyo, aba e may Org Shirt Making Contest dati, bat di kayo sumali at ng disenyo nyo ang nasunod.”

 

Matagal tagal na rin akong hindi nakakapagsulat. Medyo patay na naman ang brain cells ko, at tinatamad ng pumindot ang daliri ko ng ibang keys kung hindi ‘A’, ‘S’, ‘Alt+’ at ‘enter.’ Isama mo pa jan ang -apntneng at -pa at -pe (Ang hindi makarelate e simulan ng maglaro ng Defense of the Ancients).

Ano nga ba ang maikukuwento ko? May mga kuwento pa ako ng tubikuntinyud pero hindi ko na naituloy pa kasi…ermm…basahin ang asa kataaastaasan. Pero ang dami ng nangyari at hindi pa din ako nagrereact. Simulan natin sa paurong.

“Santi breaks promise.” Ang gara ng umis ng nakita ko yung title na yun ng Inquirer.net tungkol dun sa nasirang tulay sa me Gulod at Kumintang. Kuwasa, puro sabi sabi at hindi naman talaga makapunta sa tulay e di kinalabit ng mga daliri ko si pareng google at nagsulputan na parang kabute ang mga kabilaang links. Pero pagkaopen ko noong unang link na nakita ko sa youtube na video noong tulay, nakakapanglumo. Ang daming alaala. 21 years na akong dumadaan sa tulay na yun, tas isang weight load lang ng kotse ang nagpaguho dito. Yun lang ang tulay noon na nagkokonekta ng direkta sa amin at sa bayan bago pa nauso yang tulay sa MH del Pilar noong mid 90s na isa pang gato. Tanda ko pa noong bata ako, pag dumadaan ang sasakyan doon e dudungaw kaming magkakapatid sa bintana at tuwang tuwa sa tubig ng calumpang  at sigawan kami ng ‘dagat! dagat!’.  Parang nakakapang imbita ding maglublob sa tubig noon kasi andaming naliligong mga bata. Lagi namin ginagawa yun noon hanggang sa magkaisip kami ng ilog pala iyon, at puro tae ang ilog na iyun ng mga lintsak na babuyan na galing sa soro-soro. Ewan ko ba. Ilang butas na din ang tinapalan ng aspalto at semento sa tulay na iyon, pero sa 37 taon ng pagkakabuo nito e wala man lang naisip na irehabilitate ang tulay. pasalamat pa nga daw at sabado ng umaga, walang pasok noong gumuho yun. Isipin mo na lang kung biyernes ng hapon, matrapik. Pero sayang pa din ang buhay na nasayang dahil sa kapabayaan ng dapat me ginagawa doon. Minsan nga naiisip mo kung bat me mga taong natitiis isantabi ang tungkulin para magpataba at magpalaki ng tiyan, magpableach kahit mukha namang baboy lang na tinadtad ng pulbo. Hay. Sana masiguradong matino pa rin yung tulay na isa at siguradong boarding haus ang kababagsakan ko ngayong second sem kung hindi.

Speaking of garapalan sa puwesto. Wala lang. Isipin mo, hindi pa ako pinapanganak siya na ang meyor, lumaki na boses ko at tinubuan na ako ng b***** e ikaw pa din? Baka naman me asawa na ako e ikaw pa din at hanggang sa malagutan na ako ng hininga e salinlahi mo pa din o kaya clone mo na ang hindi nauumay? Sabi nga nung isa kong nbasa na blog tungkol sa batangas,  tama ba na angkinin mo ang iskolarship? hindi ikaw ang nagpapaaral. pera yan ng taumbayan. taumbayan ang nagpapaaral jan. Kahit ang health card at kung anu-ano pang kalokohan. Hindi ko maiwasang magreklamo pag naalala ko ang pagwawaldas ng mga pera ng hindi necessity, kagaya ng pagaaspalto ng 2 beses sa kalsadang aspaltado at maayos pa gayung me lugar pa na ni karsada wala, idagdag pa na ni ilaw galing ke pareng agapito flores at thomas edison e wala.

Tutal badtrip na din ako, isumbat ko na din kaya ang pagkabadtrip ko sa isang instructor? Alam ko kalampi ko sila, pero garapalan na naman yung sabihin na ‘it’s not my problem’ kung naubusan ka ng piyesa sa bukod tanging tindahang mabibilihan mo ng piyesa? Siguro nga hindi iyon problema, lalu pa kung me lampas ata 80 kayong nangangailangan ng pare-parehong piyesa. At magaling baga kung mura lang ang bawat piyesa. Hindi e! Hindi kami nagtatae ng pera. Siguro nga, it’s not your problem, kasi kayo ang problema. Minsan hindi ko maisip na kalampi ko sila. Pero kahit ano pang sinasabi ko ng patalikod, hindi ko masabi ng harapan. Pano ba naman papalag ang isang usa na nakaipit ang leeg sa pangil ng isang leon? Nagkasala na naman ako. Me mga bagay lang talaga na hindi na ata makatarungan. Walang tulog, puyat, walang ligo at walang pera. Bulsang tadtad ng utang. Mukha at likod na tinutubuan ng tagihawat dahil sa pagod at puyat. Sana pumasa.

 

ps. about the title. wala lang, nakikinig ako ng tangina mo andaming nagugutom sa mundo fashionista ka pa rin ng radioactive sago project. political song…lalo na yung fudtrip! ku!

siguro alam nyo na kung tungkol saan ang ikukuwento ko.

 

Unang una, sa lahat, salamat. ke God. wow! 21 na ako!

sa tatlong sections ng ece department, sa pldt,

haha. wala dumating ni isa. busy daw sila.

sa mga batchmates at kaibigan ko noong high school, salamat.

si noel, si brondy, at si apollo na dumaan sa bahay kahit hapon na natapos ang review nila.

si mark! kuh. kung dahil sa kumag na to hindi makakauwi ang halos kalahati sa bisita ko. salamat sa pizza at salamat sa paghahatid sa kanila. sing haba ng buhok mo ang tulong na naibigay mo.

ke rommel. haha, elementary, high school at college ko naging kaklase, ngayon lang nakarating sa bahay.

ke shelene na nag-abala pa na tumawag sa akin mula maynila kasi hindi makakapunta.

ke allen, ax at jesner. at yung sabit ni jesner. sayang yung praktis natin, dapat hindi na lang tayo nagpraktis. haha

ke sir philord para sa malutong kong bass. lahat natutuwa sa bagong tunog. saka na yung 500, pagiipunan ko pa.

ke adrian at sa ajam. sa sunod sana 150 per hora na lang ang bayad. enjoy na enjoy naman din kayo sa pagkain. kaya dapat yun na lang ang presyo.hehe

sa Sawali Family. Yes! makakapag suot na ulit ako ng bagong damit na me tatak! panay class shirts at mga bigay lang ng ate ko ang mga damit ko e, dagdag pa ang mga pinaglumaan ng dade, yan ang laman ng tokador ko.

sa mga lopez! kuh! hindi ko na din naasikaso. pati sa mga casanas, katapat lang ng bahay namin pero hindi ko nakakausap.

sa kuya eric at sa ate lelen. happy aniversary!

sa mga kamag anak ko na tumulong sa mame magluto.

sa mame na lahat na ng naisip ko e kinontra. kaya biglang nagkatent at lobo e dahil jan. kulang na lang e pabitin at basagan ng palayok. at clown. sa mga kapatid ko na anjan.

sa dade. ku! konsistent record na hindi umaatend ng bertdey ko. tawag tawag na lang, agtatrabaho sa ibang bansa e..hehe

 

ke (bayaw na )christian. wala lang. aalagaan mo kapatid ko ha.. hehe

sa mga bisita ng mga kapatid ko na mas madami pa sa bisita ko. salamat sa pag-ubos ng handa. hindi dumating mga kaklase ko kaya hindi ko alam kung pano yun mauubos.

 

ke bugay. alam ko galit ka sa akin. wala e, hindi ko na naasikaso. hindi na ata ako makakabawi pa. salamat nga pala sa bag. at sa ‘birthday card’. sinusubukan kong bumawi pero di swak ang sked natin e.

sa tumaya sa ’21 29′ sa jueteng noong bisperas ng 21st birthday ko. balato sa tumama. (watakoinsidens!)

sa mga hindi ko nabati, salamat.

errata on post entitled ‘400 hrs’

batangas TMC stands for Transmission Maintenance Center

it was stated before that it stands for Technical Maintenance Center.

SoLuzCnet FF3 is

South Luzon Core Network Field Force 3.

The difference with corenet and TMC?

Corenet ang pinagsamang Transmission at Switching office.

http://www.mp3-codes.com” target=”_blank”><a href=http://i47.photobucket.com/albums/f165/alexdale1/new-player-skin-2.gif&#8221; border=”0″>
http://i47.photobucket.com/albums/f165/alexdale1/mediaplayer-2.swf&#8221; width=”277″ height=”20″ type=”application/x-shockwave-flash” allowfullscreen=”false” allowscriptaccess=”always” flashvars=”&file=http%3A%2F%2Fwww.wrzuta.pl%2Faud%2Ffile%2FvcT07qWsIS%2F.mp3&height=20&width=277&showeq=true&autostart=true&repeat=always&shuffle=false&volume=100″>
http://www.mp3-codes.com” target=”_blank”>Oye Como Va – Carlos Santana
FREE MP3 DOWNLOADS @ MP3-CODES.COM

 

 

YAY! naka 400 hrs na ako sa PLDT. salamat sa mga double time at pagoOT, konting kadyot na lang, tapos na ako! Bukas momove in ang next batch ng mga magoojt sa pldt. magkakaroon na sila ng orientation. mag-iiba na naman ang environment, iba na namang mga taong pakikisamahan, pero hindi naman iyon mahirap. mahaba haba pa rin ang 400 hrs, isa pa mga kasama ko na sila sa BSU family.

Andito ako ngayon nagtatype kasi me hinihintay ako. Me hinihintay akong text para makatawag ako. Isang confirmation sa isang ipinadalang request. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako, kaya habang wala pa yung text e tuloy lang ang type ng kung ano-ano. Isa pa nagdodownload ako ngayon ng torrent file (full metal alchemist brotherhood 19) at mukhang aabutin pa ako ng higit sa isang oras. Mas gusto ko sanang idownload to sa opisina sa corenet kasi 512kbps ang speed dun, 384kbps lang dito sa bahay, kaya ibig sabihin mas mabilis akong makakapagdownload doon. pero alangan namang magpunta pa ako dun para lang magdownload. hindi ko na mahintay kung ano ba talaga na ang mangyayari ke liza hawkeye, hindi ko kasi binabasa ang manga.

at, speaking of magdodownload sa corenet, ipakilala ko na kaya ang mga kasama ko dun ngayon sa corenet? Pero bago ang lahat, introduce ko muna ang corenet.

Ang South Luzon Core Network Fast errr,,,, di ko maalala yung isa pang F, kababasa ko lang nun kanina e…err…, SoLuzCnetFF3, aka Corenet, ang opisina na tinatambayan ko lunes hanggang sabado. Doon din ang Batangas TMC, o ang Technical Maintenace Center. Ang trabaho ng maintenace e ang mag mop, magwalis at mag vacuum sa buong PLDT, at maghugas ng mga kotse. joke lang yun.

Batangas TMC ang incharge sa maintenace ng mga equipments. Hindi ko pa din alam kung ano ba talaga ang pinagkaiba ng SoLuzCnetFF3 sa Batangas TMC, pero ang alam ko hindi kami mismo ang me physical interaction sa customers, na siya namang ginagawa ng mga tao sa Outside Plant (O/P) o sa Planta. Base sa nakikita ko, primary concern namin ang mga electronic switches, IVDs (integrated voice and data..ata..hehe), fiber optics, at pamamasyal sa kung saan saan.

Without further introduction, atin ng ipakilala ang mga tauhan sa nobelang ito. With no specific order.

Roldan F. Galura- Batangas TMC/ Radio Facility Supervisor

Siya yung makikita mong maliit na maitim na lalaki sa opisina. Siya ang bosing dun. Bisor e. Pag sinabi niyang ‘ganto’ at ‘ganyan’ e sunod agad. Boss Dan kung tawagin siya nung iba. Walang kagatol-gatol kong sasabihin na mahilig siya sa babae at talagang nakikipagbonding sa kanila, kahit sa kapwa namin OJT. Siya din ang official photographer namin kapag wala si jimboy, walang dalang digicam si tenten at bevs,  o tinatamad akong ilabas ang celfone ko. Mahilig din tong lumamyarda, me side trip, halimbawa kanina, masusurvey lang daw sa balayan pero namasyal sa punta fuego sa nasugbu. Mabait tong tao. Lagi daw nanlilibre sa jeep. sana naging taga tulo na lang si ser. Mahilig siyang manood ng sine sa watch-movies-links.net pero bihira namang matapos ang sine kasi habang pinagbubuff pa ang video e biglang me magsisingit na internet, minsan e hindi sinasadyang maiclose, o kaya e nagloloko na naman ang download accelerator.

trivia: siya ang nagturo sa amin mag camfrog at panuorin si xx_miyuki_xx

George A. Bautista- Telecom Engineer

Eto talaga malupet. Sa PLDT nagtatrabaho pero ang tinapos e Mechanical Engineering. Siya yung mamang malakas ang boses na me distinct na tawa dun sa sulok, nakasandal ng liyad na ang silya, magkapatong ang dalawang kamay sa built in niyang patungan na malaking tiyan. Magbabarek daw noong araw, pero hindi na ngayon. Siya ang bahala sa EWSD, ICMS, MLR at kung anu-ano pang me kinalaman sa Switching. Madalas bigla na lang tong nawawala pag dating ng alas 2 para kaunin ang anak sa eskuwela. Isa siyang adik adik noong araw pero nagbago noong..errr…hindi pa din ata nagbabago. Linggo linggo tong me supply ng mga pirated DVDs sa kanyang paboritong supplyer ng dvd. Lagi nitong pinagmamalaki kung pano nya halitin ang takbo ng kanyang mga sasakyan na fortuner at kanyang bigbike lampas 250kph pero di ko malaman kung pano nya natitiis ang 128MB RAM niyang computer na mas matanda pa ata sa Touch Mobile. Si sir e hindi layas na tao, laging gusto e sa opisina. tamad na tamad umalis. Minsan nga e dapat me gagawin kaming test call gamit ang tanauan line, ibig sabihin pupunta kami ng tanauan para magtest call, ang ginawa e ipinasa sa iba. Pag niyayakag paalis e laging dahilan ang anak, o kaya e walang tatao sa switching, at pareho namang legal na alibi. Masaya tong kasama kasi nakakadala ang tawa. Mas masaya tong kasama kapag all boys na ang opisina, kasi samut sari na ang ikinukuwento na isecensor natin. kapag overnight ako at 2-10 ang duty ni sir e hindi ka magiging lonely kasi hindi nauubusan ng kuwento. Bawat araw laging me bagong kuwento. Lagi kaming tinatanong kung ********.  Pero kahit kacencor censor ang mga kuwento nito, ginagawa nya lang yun kapag walang babae sa paligid.

pag nakita mo din si sir, makikita mong nasobrahan to ng sine ni robin padilla. kumpleto sa leather jacket, big bike, at .45. yun nga lang dahil malaki ang tiyan e mas mapapagkamalan mong kalaban ni binoy. isama mo pa yung tawang bwahahahaha!

trivia. **censor censor censor.**

Zcherwin P. Joven- Telecom Engineer

Eto talaga ang tunay na ECE. Produkto siya ng pagpapanday ng PBMIT siyempre sa ilalim ni sir TAR. Ahead daw siya ng one year ke ma’am divine. Eto yung isa pang lalaki na kasama ni sir george na nagtatrabaho sa switching. As of mid july, naging sa Lipa na ang duty ni sir weng. May bahay na kasi itong sarili sa Lipa, at para hindi na malayo e dun na lang nagopisina. At isa pa sawa na siya sa monay, at walang monay maculot sa lipa. dumalaw nga pala to kanina sa batangas, doon dumuty matapos magpacheckup, kasi naaaltapresyon ata. umuwi agad si sir kanina na nahihilo at masama ang pakilasa. Sana ok lang si sir.

maiba, me ari to ng isang computer shop, at meron siyang 320GB na external hard drive na puno ng iba’t ibang laro, at kung anu-ano pang applications. Basta me problema ka sa computer kayang kaya nyang gawin. Lahat ng problema sa computer siya ang takbuhan, siya ang nilalapitan. Bilang isang telecom engineer, si sir ang pinaka team leader. Me pagka workaholic si sir. Isang beses nga me problema sa PDO, sa halip na ipasa sa PLant Office e siya ang tumapos at hindi muna nag out agad. Ganun din noong nag momodem synch kami, marami pang gawain na ginagawa kami e sila na yung tumapos.

trivia. Si sir weng ay may third eye. Kaya kita nya yung mga mumu sa pldt, at kung saan saan man. pag me pupuntahan siya tas biglang umurong, kabahan ka na. Minsan ok lang na me nakikita siya, pero pag gusto ng makipag interact  nung multo e takot na. siya ang nagpakilala samin sa tatlong espirito sa pldt.

 

**ang mga hindi ako kilala sa panglan**

Sir Romel Distajo

Pares ni Sir Dan, isa siya sa mga dumuty noon sa Cuenca Relay. Iba ke sir dan to kasi matangkad si sir romel. Taga Maynila to kaya mejo iba ang accent. bihira ko to matiyempuhan sa opisina kasi madalas yata e 10-6 duty nitong huli, at kung maaga naman e sabado linggo. madalas din wala. Techi din si sir. Isang araw kasi umalis kami para pagasolinahan yung dalawang gensets, pagbalik namin nagfeface book na. meron ding friendster account. lagi ng ibinida sa amin na hinahanap nya yung crush nya noong college siya. galit na galit din to sa p900i nya, pinakapangit daw na celfone.

Matiyaga din tong magdrowing. Pag naligaw kayo sa cuenca relay e makikita nyo yung drawing nya dun dati ng block diagrams at connections ng buong relay station. higit isang buwan daw niya yun ginawa.

trivia. good boy daw to dati hanggang sa napaduty sa cuenca. si sir e madami din alam na kalokohan. nagkukuwento to dati na kasama daw si sir dan noon sa cuenca na nagpapasayaw doon ng taga pier. me patupada din daw siya doon dati, at nananalo naman daw. miss na miss na nya ang easy life sa cuenca relay.

 

Sir Ronnie Dolor

Ang mamang me bigote sa PLDT. Eto lang yung lalaki dun na laging naka Levi’s na pantalon. Taga San Juan kaya me alagang bangka at white sand beach. Mahilig tong manood ng mix martial arts at boxing, kaya pag siya ang duty e laging asa solar ang tv. hindi siya mahilig manood ng basketball. Boxing lang daw talaga. Eto medyo tense daw sabi ng mga kaklase ko. Medyo pa easy din, at gustong gusto ang magaan na buhay. Ayaw na ayaw nito ng me lalabas na PDO na madami kasi nahahalit, at minsan nadadamay ang ibang asa paligid. Mahilig din ito sa camfrog at kilala pati mga scandals ng mga taga tate.

Trivia.

 

me part two pa..!