Tandang tanda ko pa noon yun. Sa iba, ordinaryong Sabado lang yun. Pero sa akin, impiyerno na yun.

 

Pagod at puyat. Tandang-tanda ko pa iyon noon. Ang huling Biyernes na naging excited ako at hindi makatulog ang nagdala ng dahilan kung bat ako naging puyat noong Sabadong iyon. Hindi ako makatulog hindi dahil sa kaba kundi dahil sa excitement. Siguro, sa loob loob ko, emotionally prepared na ako. Hindi ito yung tipo na no choice na ako at walang atrasan. Oo walang atrasan pero hindi no choice. Gustong gusto ko nang magbukas. Andami nang nagpapakalma ng loob ko, andami nang mga good luck, andami ng mga dasal. Andami dami ng dahilan upang hindi bumagsak.

 

Sabado. Alas 4 ng umaga. Tumunog ang alarm ng mga kasama ko sa bahay. Isang malamig at tahimik na madaling araw iyon, hindi mo akalaing may nagbabadya pala noong delubyo. Isa isa kaming nagsipag ligo ng mga kasama ko at nagmaagang almusal upang ihanda ang sarili. Tanda ko pa ang ulam ko noon, Tuna in fish oil. Mainit ang bagong saing na kanin, pero parang nakasama pa ata iyon sa nagngangalit ko ng loob.

Napagkasunduan noon na magtatagpo kami sa Noval, doon sa isa pang boarding haus ng aking kaklase. Sabay sabay na daw kami pupunta sa aming respective testing centers. Suot ang aming mga puting pang-itaas, pantalong maong, mga lapis na tinasahan na ng ibat ibang orasyon at calcu na may basbas ng banal na tubig, nagpunta na kami sa Noval. Dahil medyo dilim at tago pa ang araw noong umalis kami ng aming dorm, madalang ang jeep na dumadaan, at nagpasya kaming sumakay ng kuliglig, sa mas mataas na night rate. Grabe, eto ang ayaw ko sa mga tricycle, mga oportunistang nananaga ng presyo. Dahil nagmamadali, kinagat na namin ang 60php para sa wala pang isang kilometrong distansya. Literal na mula sa kabilang kanto ng UST hanggang sa kabilang kanto ng UST, 15php each kaming apat.

Dumating ako sa Arlegui ng sarado pa ang gate nito. Nung nagbukas ay saka ako nag-almusal, Kariman at tubig. Binigay namin ang good luck sa isa’t isa. Kampante ang loob ko, siguro naman kakayanin ko ang board exam, tiwala lang sa Diyos na pagbigyan ang hiling. Kampante kong finillupan ang dapat fillup-an, at nagdasal ng kaunti, hinintay ang oras ng paghuhusga habang humihigop ng mainit na kape. Pinagmamasdan ko noon sa labas ang katahimikan ng paligid, at sinariwa ang rutang dinaanan, ang lintek na methane filled na estero at ang mga residente sa paligid nito na immune na sa amoy, ang nagbebenta ng ruler, lapis, pekeng sobre at mumurahing calculator sa labas.

Nagsimula na ang exam. okay, Mahirap ang no.1. Skip. No.2. Skip. No.3. Skip. Holy karabaw! Puro ako skip! Natetense na ako, lalu na nung makita ko na hindi basta-basta ang sinasagutan ko. Nagmukhang googol ang 50 items na mathematics exam. NAgsosolve ako pero hindi ako sigurado kung tama ang ginagawa ko. Lumilipad ang utak ko, blanko, at parang nakalimutan na ang 6 na buwang pinaghirapan. O hindi ko talaga ito nakalimutan at talagang hindi lang nagpakita sa math? Nanggigil ako ng makita ko ang mga Statistics question. Hindi ako makapalag. Pinasadahan ko ang 50 tanong at napagtanto ang kapalaran na mangyayari sa akin. Sinigurado ko na. Nakatutok na ang baril sa aking sintido. At wala pang 30 minuto ay naghurumentado ang sikmura ko.

Oo. Naghurumentado. Tense, kape, wala sa oras na pagkain. Hyperacidity. Buti na lang may dala akong kremil-s, pero huli na ang lahat, nagpapakaimportante na naman ang pinaka importanteng bahagi ng katawan. PEro tiis muna kaibigan. Mahirap na nga ang exam, mahirap pa ang rambol sa aking tiyan. Hirap na hirap na ako sa buhay ko noon. Iniisip ko kung ano nga ba ang kasalanan na nagawa ko. Iniisip ko kung bat pa ba ako nakapag ECE at hindi na lang nag Mechanical, o ang paborito ng lahat, ang Nursing. Pero huli na ang lahat. Kahit tapikin ko ang pisngi ko at kurutin ang sarili, hindi ako nananaginip. Ito ang board exam. Sa ayaw mo at hindi. Magsolve ng mahihirap na problems at manghula ng isasagot sa multiple choice questions. Yun na lang ang nagagawa ko. Unang araw pa lang, alam ko na ang kapalaran ko.

Pagkatapos ng paghihirap na naranasan ko, nananghalian na ako kasama ng mga kaklase ko. Kumalma ka kahit paano ang tiyan ko. Nakisama, atsaka, it all in the mind! Kami ni Edward hindi makapaniwala na ganun pala ang math. Ang sabi-sabi kasi, madali lang ang first day. Grabe. Mukhang iba nga ang gumawa ng exam, hindi na siguro ang dating examineer, kasi namatay na ang talagang math examineer sa sakit na cancer. Siguro yung second subject ay maalwan-alwan, Electronics kasi.

Umupo ulit ako sa loob ng Grade3 room na aming pinageexaminan. Tinignan ang loob at sinilip ang bawat isang examinees. Hindi nabawasan ng tao, ibig sabihin, wala pang napapanghinaan ng loob. Umaasa din siguro sila na totoo ang sabi-sabi na madali ang electronics, maning-mani! Pero dun ako nagkamali.

Bumuka ang lupa at kinain ako ng buo. Hindi ako makapaniwala na ito ang electronics. Mahirap pa sa mahirap. Bilang pa sa daliri ang masasabi kong madaling question, na nabasa ko. Yung iba ay purong panghuhula na lang talaga ang ginawa ko. Sumipa na naman ang tiyan ko. Nagsimulang uminit ang ulo ngunit pinalamig naman ng aircon. Hindi ko na alam ang gagawin. Para na akong naghukay ng sarili kong libingan. Tapos na ang lahat. Sumuko na ako. Pero, kahit ganun, hindi pa tapos ang delubyo. Meron pang second day, at mas mahirap ang lumalabas sa second day. Umiiyak na ang loob ko sa hirap ang first day at mas mahirap pa ang second day. Grabe. Gumuguho na ang mundo ng pangarap na aking binuo.

-to be continued