Kung naghahanap ka nag social relevance sa post na ito, wala ka makikita nun dito. Ewan ko lang mamaya, masyado naman akong dirediretso sa pagtatype.

Unang una magandang araw sa nagtiyagang magbasa nito. Matagal na rin nung huli ako ngtype. Tinatamad at wala sa huwisyo ako madalas. Busy na rin ako sa maraming bagay. Ganyan na nga talaga siguro pag tumatanda. Sala sa busy e wala naman sa mood magkuwento.

Hindi ko talaga alam kung paano magsisimula dito. Hmmm. Magsimula tayo sa numer0 6.

So, ano naman ang pakialam namin sa numerong sais? hindi yang birthday ko, at lalong walang kinalaman sa astrology. Isa pa hindi naman talaga ako naniniwala sa astrology, kahit minsan e nagkakatotoo. O kahit pa numerology. Isa pa gawin mo yang anim e numero na yan ng halimaw (literally the number of the beast). Magbilang na lang tayo.

Ano ang pang anim na buwan? June.

Magbilang tayo ng isa pa.

1. july

2. august

3. september

4. october

5. november

6. december

Isa pang bilang

1. J

2. A

3. M

4. I

5. E

6. L

O isa pa!

Dahil malaki ang tiyan ko, mas bagay sa akin ang 6 kesa sa 5. Kasi bangungot ang ibinibigay ng 5 sa class cards ko.

Siguro, hindi ko kailangang ipaliwanag pa muli ang sarili ko. Siguro, sapat na yung hindi ko pagkibo. Siguro, sapat na yung ganun. Pero ang siguro, hindi sigurado. Minsan talaga ang buhay ay parang Math. Isa lang ang definite answer sa mga tanong na obvious. Pero ang mahirap minsan hindi mo pa napapagaralan yung equation ipapasolve na lang sa yo ng basta basta. Kaya pag nagkamali ka kahit ginawa mo na ang sa tingin mong best solution e ikaw ang talo.

Talo. Asar talo. Sungit Queen. Ang babaeng araw-araw nagkakaroon. Hindi ko na itutuloy tong paragraph na to.

Siguro, masyado nga lang talaga akong madaling kausap minsan. Oo makulit ako, pero madali din akong kausap. Isa pa isa akong natural na pessimistic. Isang taong nabubuhay sa reality ng buhay. Siguro, tama din naman ang sinabi sa akin nung taong yun kahit pabiro. Tinatanong ako kung kaya kong makasama ang taong iyon habambuhay sa ganung paguugali. Sinegundahan naman nung kasama niya na baka nagger ang kalabasan pag laon. Ewan, hindi ko alam. Pero, me mga bagay na talagang aminado ako ng hindi ko pa alam. Siguro nga bobo ako. Kasing bobo ng karamihan sa ating mga Pilipino.

Dahil sinabi ko ang tungkol sa kabobohan ng Pilipino, magtatype na naman sana ako ng social relevant, pero wag muna.

Siguro, kulang lang ako ng mga bagay na ibinigay sa kanya ng magbibigay at magbabalik ng magagandang alaala. Sa tingin ko kasi hindi mo kailangan ng materyal na bagay para maging masaya. Totoo at tama naman yun, pero ang hindi ko alam ay kung anong alaala at kasaysayan ang naibabalik ng mga bagay na iyon. Tanda ko kung paano ang tumitig sa kawalan pag napapatingin ako noon sa palawit ng celfone ko at noong kinuha ko ang bag ko. Siguro sa larangang yon, nakalamang siya sa akin. Para kasi akong maamong tupa pag nakikita ko yung mga bagay na iyon noon. Siguro, dun lang talaga ako kulang. Kaya, naisipan kong magbigay ng bagay na makakapagpaalala sa akin.

Una kong natatandaan na ibinigay e yung jersey ko. Pero dahil sa kalakihan kong lalaki e parang nagmukha lang evacuee na nakatanggap ng relief good ang pinagbigayan ko. Kaya ayun, inumok na siguro yun sa tukador. Isa pa ay isang sulat, pero, naisip ko, nakatago lang yun sa isang sulok ng kuwarto nya na tanging siya lang ang nakakaalam. Pag kasi nalaman ng buong bahay at nabasa yung sulat na yun e naiimagine ko na ang ngisi sa mukha ng mga kasama nya sa bahay pag nakita ako. SIguro kailangan na ng isang medyo kongkreto.

Naisip ko magbigay ng damit, tutal..hmmm…bakit nga ba? Kasi me ginawa akong drawing sa typewriting. Nung iniscan ko parang magandang gawing damit. Pero, jahe, me christmas tree sa gitna yung drawing ko. Parang hindi mo pwede isuot pag mayo. Isa pa ayaw din niyang magbigay ng kongkretong size ng damit.

(ang title nitong parteng ito e bakit ba me mga taong slow sa mundo?)

Kakatapos lang namin noon manood ng sine ng high school barkada ko ng naisipan kong bumili ng regalo. me 175 pa ata akong natitirang pera noon. Lagi kasi akong gipit sa pera dahil ang dami kong naging gastos, sa katunayan halos simot ang ipon ko. Naisipan ko yung figurine na nurse, pero alangya, ang akala kong 125 lang e 199.75. At least wala pang 200, pero wala na rin sa 200 ang pera ko. Kaya tumaas ang puting bandila sa item na iyon.

(teka bat ba ito ikunukuwento ko..?) Me naisip naman akong iregalong iba. Tutal, siguro, kahit gusto kong magpakaiba, hindi pa rin siya sumasakay sa mga gimik kong kakaiba. Dati nga sa halip na bigyan ko siya ng bulaklak ang balak ko bibigyan ko na lang siya ng cactus na me bulaklak. Kasi ang bulaklak maya maya lang lantayuyot na, ang cactus kahit ata isang buwan mo hindi diligan mabubuhay. Pero sablay. Hindi kasing new age ng utak ko ang utak niya. O talagang wirdo lang ako.

At dahil bulaklak ang usapan, naisipan ko, bumili na lang kaya ako ng sampaguita sa simbahan? national flower pa yun! Pero kinain ko rin sinabi ko ng sinabi ni Manix sa kanyang comic strip. “ANONG TINGIN MO SA GIRLFRIEND MO, JEEP???”

Sa totoo lang wala pa talaga akong nabibigyang babae ng bulaklak. Siguro noong bata kami, pag ipipitas ko ng sta ana ang kapatid ko para igawa ng elesi (pag hindi nyo to alam gawin sa bulaklak ng sta ana ninyo sa bahay e kalahati ng kabataan nyo ang nasayang) pero bukod don, wala pa. Kaya wala talaga ako kaalam alam. Tanda ko noon si Adrian noong nagyayang mangharana ke grace, parang nasabi nyang bibili muna siya ng bulaklak sa Emmanuelle. Kaya noon yun ang naisip kong unang puntahan. Kaya lang, diyahe na naman, Asa kabilang dulo yung ng poblacion. Asa me paradahan ako. Pero dahil adik nga ako, naglakad ako. At talagang mataba ako, kelangan kong magsunog ng choles.

Pero anlaking badtrip, wala na doon yung emmanuelle. Hala, san kaya ako hihikap? Naalala ko yung sa me andoks. Pero hindi ako doon bumili. Pero hindi nagtagal me nakita akong flower stand na naglalako ng mga bulaklak galing Baguio. Magaling mag sales talk si ate, nakumbinsi akong bilihin yung half dozen na me dekorasyon. Siguro mababaw na rin ako magisip at kulang pa ako sa tulog galing sa puyat sa trabaho. Naalala ko tuloy bigla, pagkadating ko sa bahay e naligo lang ako at nagbihis para umalis ulit.

Natuwa naman ako dun sa design noong nayari na. Para ngang gusto ko akin na lang. Sa tingin ko naman kung tatanungin din kapatid ko magugustuhan din niya iyon. Siguro naman maaappreciate nya effort ko dun. Unang beses ko na nga gagawin, kalahating dosena pa agad. Isa pa, noong me dumaan ding buyer sa harap ng stall ni ate e ginamit nyang modelo yung binili kong half dozen, napabili din naman agad yung isa. So, kumbinsing!

Sa totoo lang, me plano talaga ako noong araw na iyon. Pero mukhang naging plano na lang talaga. Oo, noong simula pa lang parang me sablay na. Hindi ko talaga alam kung pangit lang ba talaga ang taste ko o talagang wala lang talaga akong alam sa bulaklak, o kung pano magbigay. Pero alam ko, sala na. Wala na ako narinig kundi bad timing. At maling kulay. Pero Ok lang naman sa akin. First time iyon e, talagang magkakamali pa ako. Hindi ko pa alam. Isa pa, good mood ako noong araw na iyon. Magaling na nga sa Sales Talk si ate, nakakasoothe pa ng loob siya kausap. Pero, ang akala kong Okay na noong nag part ways kami sa sakayan ng tricycle, naging iba na pagdating ko sa bahay. Heavy na ang bagsak ng mga text. Good mood ako pero unti unting binabasag ng mga mensahe niya ang mga bubog na harang. Madali pa man din ako maapektuhan ng ganoon. Kung sabagay bago kami naghiwalay ng landas e hindi na niya ako kinakausap.

Siguro nga, tama siya sa isang bagay na sinabi niya.Kung lagi na lang siyang nagagalit kapag nandyan ako, may isa nang elementong mahalaga ang nawawala. Dulot na kasiyahan sa tuwing magkasama. Tutal, mahirap ibalanse ang bangka kung iisa lang ang katig. At may sinabi pa siya na dapat noon pa man alam na niya ang consequence kapag sinabi niya iyon. Madali akong kausap.

Sabi nga ni Ebe Dancel, “Isang tama, sampung mali, ganyan ako parati.” Siguro ganun na nga ako.

At mukhang hanggang sa dulo, ‘siguro’ pa lang din ang kaya kong sabihin, assumption pa rin ang pagkaksolve ko sa matinding Algebrang ito ng buhay ko.

Ayoko ng ituloy ang kuwento. Next.

Me ikukuwento lang ako. Minsan mo lang talaga ako biglang hindi makakausap, at yun e kapag nagulat ako at nagmumuni-muni, at kapag galit ako.

Ako, bihira ako magalit. At kung magalit man ako ng hardcore e madali ding naaalis.

Kung sabagay, ano ba namang magagawa ko noon. Kunghindi lang din naman ako siguro isang atat. Kakatapos ko lang magbihis noon, paalis na ng bhay ng biglang napospone ang dapat na lakad dalawang araw na ang nakakaraan. Nabadtrip ako doon. Sobra. Sobrang badtrip. Mas badtrip pa sa pinakabadtrip na badtrip. Kung hindi mo alam yun e badtripin mo ako tas kunin mo ang log base 10 tas kunin mo ang n factorial. Ganun. Pero kahit ganun, mabilis lang lumipas galit ko. Parang suweldo lang ni itay, hinipan sa kamay.

ooops, gagamitin na nag kapatid ko. Bitin na naman ata kuwento ko.

edit.

pasensya kana kanina kung wala akong nasabing matino sa loob ng 27 seconds na magkausap tayo. Hindi ako handa, at mukhang hindi ka rin handa. Wag kang magalala. Dumugo din puso ko noong narinig ko boses mo. Parang, lahat na ng kaeng engang pumasok sa utak ko ay nawala. Pasensya na..